We end #KTCWebinars2023 with a bang!
Mga KaSaMa, join us in a session that will discuss the why's and how's of making learners' thinking visible.
Bakit nga ba mahalaga ang usaping ito?
Bahagi ng pagkatuto ang pag-iisip. Madalas, hinihikayat natin ang ating mga mag-aaral na mag-isip at magtanong, o ‘di kaya’y pag-isipan ang ating mga tanong.
Subalit, ano ang silbi ng ipinapagawa nating pag-iisip sa kanila kung ang malaking bahagi ng pag-iisip ay hindi kita?
Gamit ang 5E instructional model na kilalang-kilala na natin, paano natin mapapatampok ang kaisipan ng mga mag-aaral sa araling ating binubuo?
Ang mga usaping ito ang pupuno sa webinar sa darating na Sabado, ika-16 ng Disyembre, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.