🛰️ Ano nga ba ang simula ng mga rocket? Paano ito umunlad sa paglipas ng panahon? Higit sa lahat, paano unti-unting hinahasa ng Pilipinas ang kakayahan nitong marating ang kalawakan? 🚀✨
Join us for another exciting KaSaMa Teachers webinar titled “Rocket Revolution: Building the Philippines’ Capability to Reach Space”
Sa webinar na ito, balikan natin ang kasaysayan ng mga rocket at alamin kung paano sila naging mahalagang bahagi ng modernong paggalugad sa kalawakan. Tuklasin din natin ang kahalagahan ng launch vehicles sa pagpunta sa space at kung ano ang mga hakbang ng Pilipinas tungo sa pagbuo ng sariling kakayahan sa launch vehicle system development. 🇵🇭🚀
Pag-uusapan din ang SIKLAB project at mga inisyatiba para sa pagbuo ng isang Philippine spaceport sa pamamagitan ng public-private partnerships.
🌟 At para sa ating mga guro at learners na nangangarap na maging bahagi ng space sector, aalamin din natin ang iba't ibang career paths at opportunities sa larangan ng rockets, launch vehicles, at space technology.
Mga KaSaMa, sama-sama nating tuklasin kung paano maaaring maging inspirasyon ang space technology sa susunod na henerasyon ng mga Pilipinong siyentista, inhinyero, at innovators!